Ilang bayan sa Batangas nakahanda sa posibilidad na madamay sa oil spill
Sinimulan na ng ilang lokal na pamahalaan sa Batangas ang paghahanda sa posibleng madamay sa oil spill na nararanasan sa karagatan na sakop ng Oriental Mindoro.
Ito ang ibinahagi ni Batangas 2nd District Rep. Jinky Luistro sa Balitaan sa Tinapayan forum sa Maynila.
Ayon kay Luistro ipinag-utos na niya ang paggawa ng artificial oil spill boom ang maraming residente sa kanyang distrito upang maharang ang langis na daldalhin ng alon sa kanilang mga lugar.
Aniya ilalatag ang artificial boom sakaling mapansin na papalapit na sa kanilang dalampasigan ang langis na mula sa lumubog sa M/T Princess Empress sa karagatan ng Oriental Mindoro.
Umaasa na lamang aniya sila, dagdag pa ni Luistro, na hindi aabot sa kanila ang langis dahil tiyak na lubhang maapektuhan ang kanilang industriya ng turismo ngayon “summer season.”
Samantala, sa nasabi din news forum, sinabi naman ni Rear Admiral Armand Balillo, ang tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, na ligtas pa ang beaches ng Batangas sa oil spill.
Aniya wala pa silang namonitor na langis sa mga dalampasigan ng Mabini, Lobo, Tingloy at Bauan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.