120 estudyante nahimatay at nahilo sa fire at earthquake drill sa Laguna

By Chona Yu March 24, 2023 - 11:32 AM

 

AP Photo/Mahesh Kumar A.

Isinugod sa ospital ang may 120 batang estudyante matapos mahilo at mahimatay habang nagsasagawa ng fire at earthquake drill sa Cabuyao City, Laguna.

Ayon sa ulat ng Inquirer, nasa 2,000 estudyante mula sa Gulod National High School Extension sa Barangay Mamatid ang nakiisa sa drill na isinagawa ng 3:00 ng hapon kahapon, Marso 23.

Gayunman, nakaranas ng pagkahilo at nahimatay ang ibang estudyante.

Agad naman na dinala gamit ng ambulance ang mga estudyante sa CCH New Hospital at Ospital ng Cabuyao.

Base sa pagsusuri ng doktor, napagod at sobrang init ng panahon ang dahilan kung kaya isinugod sa ospital ang mga estudyante.

Agad di namang pinauwi ang mga estudyante matapos malapatan ng lunas.

 

TAGS: Cabuyao, earthquake drill, fire drill, laguna, news, ospital, Radyo Inquirer, Cabuyao, earthquake drill, fire drill, laguna, news, ospital, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.