Nagbitiw na sa puwesto si Sugar Regulation Administration Administrator David John Thaddeus Alba.
Ito ang kinumpirma ng Presidential Communications Office.
Ayon sa PCO, bumisita si Alba kay Executive Secretary Lucas Bersamin kahapon, Marso 21 para ihayag ang desisyon na magbitiw sa puwesto dahil sa kalusugan.
PInakiusapan pa ni Bersamin si Alba na huwag ituloy ang pagbibitiw sa puwesto pero bigo ang kalihim.
“Administrator David John Thaddeus Alba visited ES Lucas Bersamin last Wednesday informing him of his decision to resign. ES Lucas Bersamin persuaded him not to, but he reasoned his worsening health condition,” pahayag ng PCO.
Sabi ng PCO, magiging epektibo ang resignation ni Alba sa Abril 15.
“Upon the directive of the President, his resignation will be effective on April 15 to prepare the appointment of his replacement,” pahayag ng PCO.