Rep. Arnie Teves nagpasalamat sa alok na seguridad ni PBBM Jr.
Laking pasasalamat ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. kay Pangulong Marcos Jr. sa pagtitiyak sa kanyang seguridad sakaling magbalik siya sa bansa sa pamamagitan ng Philippine Air Force base sa Pampanga.
Ngunit duda pa rin ang kanyang kampo na 100 porsiyento ang kanyang magiging kaligtasan sakaling tanggapin ang alok ng Punong Ehekutibo.
Inulit ni Atty. Ferdinand Topacio na handa ang mambabatas na umuwi ng bansa bagamat aniya hindi magiging sapat ang seguridad sa air base.
Sinabi nito na maaring makipag-usap sila para talagang matiyak ang kaligtasan ni Teves.
Diin ni Topacio lubhang napakaseryoso ng banta sa buhay ng kanyang kliyente, gayundin sa pamilya nito.
Iniuugnay si Teves sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong Marso 4 at walong iba pa ang namatay.
Alam na rin, dagdag pa ni Topacio, ni House Speaker Martin Romualdez ang hiling ni Teves.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.