Kumpiyansa ng foreign investors, seryosong isyu sa POGO ban call – Ejercito
Hindi sang-ayon si Senator JV Ejercito sa rekomendasyon na ipatigil na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa. Kabilang si Ejercito sa mga hindi pumirma sa committe report ng Senate Ways and Means Committee, na pinamumunuan ni Sen. Sherwin Gatchalian. Pangangatuwiran ng senador nangangamba na siya sa posibilidad na magbigay ng maling mensahe ang agarang pagpapatigil sa POGOs.
Nilinaw naman ni Ejercito na pabor siya da dalawa hanggang tatlong taon na “phase-out period” sa POGOs para naman hindi maapektuhan ang pag-iisip ng mga banyagang mamumuhunan.
“POGO was illegal. Congress passed a law to make it legal. Then investors came and invested for the industry,” pagpupunto pa ng senador sabay paglilinaw na hindi siya pabor sa POGO kundi nais lamang niya maiwasan ang magiging negatibo paningin ng mundo ukol sa pagnenegosyo sa bansa. “Then we want to cancel abruptly. That would send a bad signal and image to the international community of the consistency of laws and policies, ” dagdag pa niya. Ibinahagi pa nito ang ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang kita mula sa foreign direct investments (FDI) sa bansa ay bumaba ng 23% dahil mula sa US$12 billion noong 2021 ay naging US$9.2 billion na lamang noong nakaraang taon. Aniya noong nakaraang Disyembre lamang ang kita ay bumagsak ng 76%, mula sa US$2.7 billion noong Dsiyembre 2021 sa US$634 million. Sa ngayon, pitong senador pa lamang ang pumirma sa committee report.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.