namyendahan ng Malakanyang ang listahan ng mga exception sa Right to Access of Information.
Base sa Memorandum Order Number 15 na nilagdaan ni Executive Sec. Lucas Bersamin, ilan sa mga ito ay ang records sa surveillance ng mga suspek at interception and recording communications na nakuha ng law enforcement agent o military personnel alinsunod na rin sa Anti-Terrorism Act of 2020.
Nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terrorism Act noong Hulyo 2020.
Nasa listahan din ng exceptions ang impormasyong mayroong kinalaman sa national security, defense, at international relations; impormasyong covered ng Executive privilege; confidential information na mayroong kinalaman sa privacy ng ilang indibidwal tulad ng mga menor de edad, biktima ng krimen, o akusado; information, dokumento o records na itinuturing na confidential, kabilang iyong mga isinumite ng mga indibidwal sa govemment agencies, tribunals, boards, o officers, na mayroong kinalaman sa kanilang functions, inquiries o imbestigasyon na isinagawa alinsunod sa pag-exercise ng kanilang administrative, regulatory o quasi-judicial powers; Prejudicial premature disclosure.
Exempted din ang records ng proceedings na itina-trato bilang confidential o privilege; mga usapin o impormasyong ikinu-konsidera bilang confidential sa ilalim ng banking and finance laws, at amendatory laws; impormasyon mayroong kinalaman sa pag-protekta sa publiko at personal safety at iba pang exceptions sa right to information na nasa ilalim na ng batas, jurisprudence, rules at regulations.