Deputy Ombudsman Liong, iba pa sinuspindi dahil sa Pharmally mess

By Jan Escosio March 23, 2023 - 03:20 PM

Pinatawan ng Office of the Ombudsman ng anim na buwan na preventive suspension si Overall Deputy Ombudsman Warren Rex Liong at ilan pang indibiduwal bunga ng pag-iimbestiga sa pagbili ng COVID 19 essentials.

Kasama sa mga inimbestigahan ng Ombudsman si dating Department of Budget and Management – Procurement Service Dir. Lloyd Christopher Lao, na nakasama si Liong sa DBM.

Ang DBM – PS ang pumasok sa mga kasunduan sa Pharmally Pharmaceutical Corp., para sa pagbili ng face shields, mask at COVID 19 test kits.

Nag-ugat ang suspensyon sa mga reklamo nina Sen. Risa Hontiveros at dating Sen. Richard Gordon laban kina Lao, Liong at iba pang taga-DBM-PS at Department of Health (DOH).

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires malakas ang mga iprinisintang dokumento na maaring magpatunay sa pagkakasala ng mga inireklamo.

 

TAGS: DBM, doh, face shield, masks, ombudsman, test kits, DBM, doh, face shield, masks, ombudsman, test kits

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.