Pangulong Marcos Jr., nagtalaga ng bagong CHR commissioner
By Chona Yu March 23, 2023 - 03:08 PM
Itinalaga ni PangulongMarcos si dating Court of Appeals (CA) Associate Justice Monina Arevalo-Zenarosa bilang commissioner ng Commission on Human Rights (CHR).
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nanumpa na sa kanyang bagong tungkulin si Zenarosa kay Executive Sec. Lucas Bersamin sa Malakanyang.
Sa kanyang malawak na karanasan sa larangan ng batas at pangangalaga sa karapatang pantao, magiging responsable si Zenarosa sa pagpapatupad ng mga karapatan ng lahat ng Pilipino, partikular na ng mga nasa marginalized sector.
Si Zenarosa ay isa sa mga appointee sa CA ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo.
Naging chairperson siya ng Independent Commission Against Private Armies.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.