Preliminary talks sa pagitan ng CPP at peace negotiators ni Duterte, nagsimula na

FB Photo / Jess Dureza
FB Photo / Jess Dureza

Inumpisahan na ang preliminary sa pagitan ng mga opisyal ng Communist Party of the Philippines (CPP) at ng peace negotiators ng pamahalaan na hinirang ni President-elect Rodrigo Duterte sa Oslo, Norway.

Sa panig ng gobyerno, present sina incoming Labor Secretary Silvestre Bello, presidential peace adviser Jesus Dureza at dating congressman Hernani Braganza.

Dumalo din sa pulong sina CPP founder Jose Maria Sison at NDFP negotiating panel head Luis Jalandoni.

Sa kaniyang opening statement, sinabi ni Sison na kumpiyansa siya na magiging maayos ang takbo ng peace talks sa ilalim ng Duterte presidency.

Sa kaniyang panig, umaasa naman si Dureza na magpapatuloy ang tiwala ng communist leaders sa Duterte government upang maabot na ang matagal nang minimithing kapayapaan.

Bukas muling magsasagawa ng pagpupulong ang magkabilang panig.

Read more...