Nagkaisa ang Department of Migrant Workers (DMW) at pamahalaang-lungsod ng Quezon na paigtingin pa ang pagbibigay proteksyon sa karapatan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at ng kanilang pamilya.
Sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at DMW Secretary Susan Ople ang nanguna sa ceremonial signing ng memorandum of agreement (MOA) a Babaeng Kyusi: Ikaw ay Bayani,” “Babaeng tagapagtaguyod, ang araw na ito sa iyo’y inihahandog” event. Sa kasunduan, ang pamahalaang-lungsod sa pamamagitan ng Public Employment Service Office na pinamumunuan ni Mr Rogelio “Batoy” Reyes, at DMW ay magtuutlungan upang bigyan ng kaukulang proteksyon at promosyon para sa karapatan ng mga OFWs partikular na ng mga kababaihan at kanilang pamilya sa lungsod. Layunin din nito na makabuo ng tama , epektibo at maayos na serbisyo at mga programa para sa OFWs. Tiniyak naman ni Belmonte sa mga OFWs sa na ang lokal na pamahalaan ay patuloy na makikipag tulungan sa DMW upang matiyak na ang benepisyo ng mga migrant workers ay maipaaabot sa mga ito. “Kami ay tunay na makikipagtulungan upang protektahan ang inyong kalagayan at inyong mga anak [OFWs]. Sisiguruhin namin na lagi kayong ligtas at mapupunan ang inyong mga pangangailangan,” pahayag ni Mayor Belmonte. Sinabi naman ni Ople, na patuloy ang pakikipag tulungan ng kanyang tanggapan sa QC para mapangalagaan ang kapakanan ng mga OFWs ng lungsod. “Masasabi natin na inaalay natin sa lahat ng kababaihan, lalo na ‘yung mga kasambahay natin nagsasakripisyo, naghihirap sa abroad pero bukod dyan, alay din natin ang partnership na ito sa kanilang mga pamilya. Lalo na ‘yung mga anak, para hindi malulong sa drugs, hindi mabiktima ng exploitation, hindi nabu-bully sa eskwelahan, at maging mataas at matayog ang pangarap nila sa buhay,” sabi pa ni Ople. Sa okasyon, inilunsad din ang E-Habilin project o ang QC OFW Safe Migration and Reintegration for OFW Children Left Behind (QC-OFW SMARt Child), na isang online portal para sa mga OFWs na mairehistro ang kanilang mga anak. Ang proyektong ito ay laang magkaloob ng mga kaukulang proteksyon sa kapakanan ng mga anak ng mga migrant women sa pamamagitan ng ibat ibang social protection programs. Isang caravan din ang isinagawa dito upang malakasin ang kaalaman ng publiko sa ibat ibang migration-relevant issues, mga programa at serbisyo sa mga OFWs at kanilang pamilya.MOST READ
LATEST STORIES