House Speaker Romualdez payag sa ‘Con Ass,’ ayon kay Rep. Richard Gomez
Ibinahagi ni Leyte 4th District Representative Richard Gomez na payag na si House Speaker Martin Romualdez sa Constituent Assembly o Con Ass sa halip na Constitutional Convention o Con-Con.
Inanunsiyo ni Gomez sa pagharap nila ni Sen. Robinhood Padilla sa mga mamamahayag gayundin ang ilang opisyal ng PDP-Laban.
Ayon kay Gomez naibahagi niya kay Romuladez ang natalakay sa pulong ng PDP-Laban noong Martes kaugnay sa isinusulong na pag-amyenda sa 1987 Constitution.
Sa pulong nila muli nina Gomez at Romualdez ngayon umaga, tiniyak ng huli sa una na sang-ayon sila sa nais ng maraming senador na malimitahan sa “economic provisions” ng Saligang Batas ang aamyendahan.
Dagdag pa ni Gomez, payag din si Romualdez na hiwalay ang magiging pagboto ng mga senador at kongresista sa mga aamyendahang probisyon.
Labis naman na ikinatuwa ito ni Padilla matapos makuha na rin ang buong suporta ng PDP-Laban, kung saan siya nagsisilbing executive vice president.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.