AirAsia pag-aaralan paglipat ng domestic flights sa NAIA T2

By Jan Escosio March 23, 2023 - 10:25 AM

Natanggap na ng AirAsia Philippines ang opisyal na abiso mula sa Manila International Airport Authority (MIAA) ukol sa planong paglipat ng domestic flights sa NAIA Terminal 2 simula sa darating na Hulyo.

“As an airline that is guest-obsessed, we are one with MIAA with the intention of optimizing the utilization of our airport terminals,” pahayag ng AirAsia.

Gayunpaman, sinabi ng AirAsia na masusing na pag-aaralan muna ang detalye ng plano para naman sa gagawin nilang adjustment sa kanilang operasyon.

Kamakalawa, inanunsiyo ng MIAA na ang NAIA Terminal 2 ay eksklusibong gagamitin na lamang para sa domestic flights sa Hulyo.

Ayon kay MIAA Sr. Asst. Gen. Manager Bryan Co, itinayo at idinisenyo ang NAIA T2 para sa domestic flights.

Inaasahan aniya sa naturang hakbang madadagdagan ng 20 porsiyento ang kapasidad ng NAIA T2.

TAGS: AirAsia, domestic, MIAA, NAIA, AirAsia, domestic, MIAA, NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.