Cagayan niyanig ng 5.7 magnitude earthquake, aftershocks inaasahan
Niyanig ng 5.7 magnitude eartthquake ang lalawigan ng Cagayan ngayon umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ang pagyanig alas-7:32 sa distansiyang 20 kilometro hilaga-kanluran ng Dalupiri Island na sakop ng bayan ng Calayan.
Ayon pa sa Phivolcs, “tectonic” ang ugat ng pagyanig na nangangahulugan na bunga ito ng paggalaw ng “active fault” malapit sa lugar.
Samantala, base sa mga instrumento naramdaman ang lindol na Intensity III sa Pasuquin, Ilocos Norte at San Antonio, Zambales; Intensity II sa Laoag City sa Ilocos Norte, Narvacan sa Ilocos Sur, at Ilagan sa Isabela; at Intensity I sa Peñablanca at Gonzaga sa Cagayan, Batac sa Ilocos Norte, Sinait in Ilocos Sur, at Santol sa La Union.
Hindi naman inaasahan na may mga napinsalang bahay, gusali at iba pang imprastraktura.
Nagbabala ang Phivolcs sa posibleng aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.