Nasugatan ang apat na pulis at isang menor-de-edad sa magkahiwalay na sagupaan sa mga bayan ng Placer at Dimasalang sa Masbate.
Unang naitalang insidente sa Barangay Locso-on sa Placer, kung saan dalawnag sundalo ang nasugatan at nadamay pa ang isang kabataan sa pagsabog ng mga bomba. Narekober naman ang iniwan na M-16 Armalite rifle ng mga rebelde. Sa Barangay Gaid sa bayan ng Dimasalang, dalawang pulis ang nasugatan nang masabugan ng anti-personnel mines na itinanim ng mga rebelde. Kasabay nito ang pagkondena ni Army 9th Infantry Division commander, Major Gen. Adonis Bajao, sa mga gawain ng mga rebelde dahil aniya hindi na pinipili ng mga ito ang kanilang bibiktimahin “Hindi na makatarungan ang ginagawa ng CTG dahil wala na silang pinipiling lugar sa paghahasik ng karahasan at wala na ring pakialam kung sino ang madadamay sa kanilang walang pangundangang pagpapasabog na malinaw na paglabag sa International Humanitarian Law (IHL),” diin ni Bajao, na commander din ng Joint Task Force Bicolandia,MOST READ
LATEST STORIES