4 sundalo at pulis, menor-de-edad sugatan sa pambobomba ng NPA sa Masbate

By Jan Escosio March 23, 2023 - 09:33 AM

ARMY 9TH ID PHOTO

Nasugatan ang apat na pulis at isang menor-de-edad sa magkahiwalay na sagupaan sa mga bayan ng Placer at Dimasalang sa Masbate.

Unang naitalang insidente sa Barangay Locso-on sa Placer, kung saan dalawnag sundalo ang nasugatan at nadamay pa ang isang kabataan sa pagsabog ng mga bomba. Narekober naman ang iniwan na M-16 Armalite rifle ng mga rebelde. Sa Barangay Gaid sa bayan ng Dimasalang, dalawang pulis ang nasugatan nang masabugan ng anti-personnel mines na itinanim ng mga rebelde. Kasabay nito ang pagkondena ni Army 9th Infantry Division commander,   Major Gen. Adonis Bajao, sa mga gawain ng mga rebelde dahil aniya hindi na pinipili ng mga ito ang kanilang bibiktimahin “Hindi na makatarungan ang ginagawa ng CTG dahil wala na silang pinipiling lugar sa paghahasik ng karahasan at wala na ring pakialam kung sino ang madadamay sa kanilang walang pangundangang pagpapasabog na malinaw na paglabag sa International Humanitarian Law (IHL),” diin ni Bajao, na commander din ng Joint Task Force Bicolandia,

TAGS: Army, Bombing, Masbate, NPA, Army, Bombing, Masbate, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.