DepEd kinondena ang NPA sa terorismo sa Masbate, mga klase sinuspindi
Sinuspindi ang mga klase sa mga paaralan sa apat na bayan sa Masbate bunga ng nagpapatuloy na sagupaan sa pagitan ng mga puwersa ng gobyerno at miyembro ng New People’s Army (NPA).
Kasabay nitpo, kinondena ng Department of Education (DepEd) ang mga aktibidad ng mga rebeldeng-komunista dahil lubhang apektado na ang pag-aaral ng mga estudyante.
Sa pahayag ng kagawaran, nagka-trauma ang mga estudyante at mga school personnel na nakasaksi ng mga karahasan.
“DepEd remains defiant against these fear-mongering tactics of terrorists as the agency commits to deliver basic education to all, even in disadvantaged areas,” ang pahayag ng kagawaran.
Nabatid na regular ang pag-uusap nina Vice President at Education Sec., Sar. Duterte at Philippine Army Division Commander para sa pagbibigay proteksyon sa mga estudyante at paaralan.
Sinabi naman ni Mayflor Marie Jumamil, DepEd-Bicol information division chief, ang mga suspindidong face-to-face classes sa elementarya at high school ay sa mga bayan ng Placer, Dimasalang, Uson at Cataingan.
Paglilinaw naman na patuloy ang mga klase sa pamamagitan ng blended learning system at paggamit ng learning modules.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.