Naapektuhan ang may 30 Filipino sa pagguho ng isang apat na palapag na gusali sa Qatar kahapon.
Base sa inilabas na pahayag ng Embahada ng Pilipinas, inaasikaso na ang mga pangangailangan ng naapektuhan na mga Filipino.
Sila ay binigyan na rin ng kanilang pansamantalang matutuluyan sa pamamagitan ng Migrant Workers Office ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Kasabay nito ang panghihimok sa mga komunidad ng mga Filipino sa bansa na alamin ang sitwasyon ng kanilang mga kaanak at kaibigan na naninirahan sa Bin Durham sa Doha.
Base sa mga ulat, isa ang nasawi sa insidente at may pito na nailigtas.
Nabatid na maraming pamilyang Filipino, Pakistani at Egyptian sa naturang gusali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.