Rep. Arnie Teves sinuspindi sa Kamara ng 60-araw

Dahil sa “disorderly behavior,” sinuspindi ng mga kapwa niya mambabatas si Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo ‘Arnie” Teves .

Nabatid na 292 mambabatas ng Kamara ang sumang-ayon sa Committee Report No. 472 ng House Committee on Ethics and Privileges, na pinamumunuan ni COOP-NATCCO Party-list Rep. Felimon Espares.

“The Committee on Ethics and Privileges hereby submits its committee report on the result of this investigation on the motu proprio investigation relative to Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr.’s personal parent trip to the United States of America, with expired travel clearance and his continued defiance to the orders of the House to return to the country and perform his duties as House member pursuant to Section 7, Rule 1 of the rules of the House of Representative, which constitute disorderly behavior affecting the dignity, integrity and reputation of the House of Representatives,” ani Esparess.

Base sa House rules, ang suspensyon ay agad na magiging epektibo kapag may 2/3 votes sa plenaryo.

Ang suspensyon ang pangalawang pinakamabigat na maaring igawad sa isang mambabatas at ang una ay ang pagpapatalsik sa Kamara.

Hindi na dumalo sa mga sesyon si Teves simula nang mag-expire ang kanyang travel clearance noong Marso 9, limang araw naman matapos patayin si Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Ikinasa ng komite ni Espares dahil sa pagiging ‘absent without official leave’ ni Teves.

Itinanggi na ni Teves na may kamay siya sa pagpatay kay Degamo at aniya noon pang Enero ay nanganganib na ang kanyang buhay, maging ang kanyang pamilya.

Pinakiusapan na siya ni House Speaker Martin Romualdez, maging ni Pangulong Marcos Jr., na bumalik na sa bansa at depensahan ang sarili sa mga alegasyon sa kanya.

 

Read more...