Comelec kumambiyo sa BSKE COC filing, Sen.Tolentino natuwa
Mula sa orihinal na Hulyo 3 hanggang 7, ipinagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) sa Agosto 28 hanggang Setyembre 2 ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) na mga kakandidato sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Inanunsiyo ni Chairman George Garcia na ang pagbabago ay napagdesisyonan ng Commission En Banc at ito aniya ay dahil sa ” operational and administrative reasons.”
Tiwala ang opisyal na kahit nagbago ang petsa ng paghahain ng COC mabilis naman nilang matutukoy ang “nuisance candidates.”
Bunga nito, nalugod si Sen. Francis Tolentino sa desisyon ng Comelec.
Magugunita na noong Lunes, umapila si Tolentino sa Comelec na iurong ang paghahain ng COC dahil maaapektuhan ang mga programa at proyekto ng mga lokal na pamahalaan dahil sa maagang pagsisimula ng “election ban.”
Lolobo din aniya ang gastos ng mga kinauukulang ahensiya, tulad na lamang ng PNP na kinakailangan ng magkasa ng “election security measures.”
“The poll body’s decision will allow our local government units to perform their respective functions without any compromise or restrictions—construction ban, etc,” ani Tolentino, ang vice chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation.
Ikinatuwiran pa ng senador, 10 araw lang naman ang panahon ng pangangampaniya ng mga kakandidato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.