Pangulong BBM Jr. sa Army: Bantayan ang panglabas na seguridad
Hinimok ni Pangulong Marcos Jr. ang mga tauhan ng Philippine Army na maging mapagmatyag sa external security environment ng bansa.
Sa kanyang talumpati ng Pangulo sa ika-126 Founding Anniversary ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig, tiniyak nito na itutuloy ng kanyang administrasyon ang modernisasyon sa Armed Forces of the Philippines para maging isang highly capable organization.
Hindi maikakaila aniya na lumalakas ang geopolitical tension ngayon sa rehiyon at nagiging advance na ang teknolohiya na maaring kalaunan ay magdikta ng giyera.
“That is why the Army must always be fully prepared and capable for any contingencies, especially considering you are the country’s last line of defense against any external security threat. Be vigilant against elements that will undermine our hard-earned peace, our hard-earned stability,” bilin ng Pangulo.
Payo pa ng Pangulo sa Army, paigtingin pa ang relasyon sa mga counterparts sa ibang bansa para sa pagpapalitan ng impormasyon.
Kumpiyansa naman ang Pangulo na kakayanin ng Army na tugunan ang ano mang uri ng banta sa seguridad.
“As your Commander-in-Chief, I am assuring you that we remain committed to modernizing the Armed Forces so no threat will be impossible to handle. We will continue to invest not only in modern equipment and material but also in your training, so you can keep abreast of concepts, doctrines, and strategies that we now need in the modern battlefield,” dagdag ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na malapit na ring matuldukan ang ilang dekada ng communist insurgents sa bansa.
“Take on the task of peacemakers—work with the national government agencies, the civil society groups, the private sector, and the communities themselves in keeping the peace. It is a critical task as it is only through achieving internal security that we will be able to foster development and address equally important security concerns. It now behooves upon you to ensure that these areas will not fall onto the hands of those who intend to sow fear, discontent, and terror,” dagdag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.