Kumpiyansa si Senator Grace Poe na sa pagpapalabas ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang implementing rules and regulations o IRR ng inamyendahang Public Service Act (PSA), bubuhos na ang pamumuhunan sa Pilipinas.
Bagamat aniya limang buwan na naantala ang IRR magbubukas ang PSA ng mga bagong oportunidad at makakalikha ng mga bagong trabaho.
Bukod pa aniya sa lalakas ang kompetisyon sa bansa.
Dagdag ni Poe ang pag-amyenda sa PSA ang isa sa mga naging prayoridad ng nakalipas na Kongreso at ang layon nito ay pumasok ang mga dayuhang mamumuhunan sa Pilipinas.
Ngayon nakalatag na ang legal framework ng batas, inaasahan din na magiging daan aniya ito para sa pagbibigay ng mas mahusay na telekomunikasyon transportasyon at iba pang pangunahing serbisyo sa publiko. Sinabi din ng senadora na ang susunod na mahalagang hakbang na dapat gawin ng mga ahensiya ng gobyerno ay maiparating at maiparamdam sa publiko ang epekto ng batas na ilang dekada ring tinalakay bago naipasa. Nabanggit din nito na ang Starlink, na kompaniya ng kilalang big-time investor/entrepreneur na si Elon Musk ang isa sa mga unang nag-apply ng investment sa bansa matapos maging batas ang inamyendahang PSA.MOST READ
LATEST STORIES