Sa paglabas ng IRR ng PSA, Poe umaasa ng buhos ng investments

By Jan Escosio March 22, 2023 - 12:42 PM

Senate PRIB photo

Kumpiyansa si Senator Grace Poe na sa pagpapalabas ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang implementing rules and regulations o IRR ng inamyendahang Public Service Act (PSA), bubuhos na ang pamumuhunan sa Pilipinas.

Bagamat aniya limang buwan na naantala ang IRR magbubukas ang PSA ng mga bagong oportunidad at makakalikha ng mga bagong trabaho.

Bukod pa aniya sa lalakas ang kompetisyon sa bansa.

Dagdag ni Poe ang pag-amyenda sa PSA ang isa sa mga naging prayoridad ng nakalipas na Kongreso at ang layon nito ay pumasok ang mga dayuhang mamumuhunan sa Pilipinas.

Ngayon nakalatag na ang legal framework ng batas, inaasahan din na magiging daan aniya ito para sa pagbibigay ng mas mahusay na telekomunikasyon transportasyon at iba pang pangunahing serbisyo sa publiko. Sinabi din ng senadora na ang susunod na mahalagang hakbang na dapat gawin ng mga ahensiya ng gobyerno ay maiparating at maiparamdam sa publiko ang epekto ng batas na ilang dekada ring tinalakay bago naipasa.     Nabanggit din nito na ang Starlink, na kompaniya ng kilalang big-time investor/entrepreneur na si Elon Musk ang isa sa mga unang nag-apply ng investment sa bansa matapos maging batas ang inamyendahang PSA.

TAGS: IRR, neda, psa, IRR, neda, psa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.