PBBM Jr. kay Rep. Arnie Teves: Umuwi ka na, mag-landing ka kung saan mo gusto!
Pinauuwi na ni Pangulong Marcos Jr. si Negros Oriental Representative Arnie Teves, na pinaniniwalaang nasa ibang bansa pa rin at isinasangkot na sa pagpatay kay Governor Roel Degamo.
Sa panayam kay Pangulong Marcos Jr., sa selebrasyon ng ika-126 Founding Anniversary ng Philippine Army sa Fort Bonifacio sa Taguig City, sinabi nito na mayaman naman si Teves at mayroong private jet.
Sabi pa nito, bahala na si Teves na mamili kung saan airbase niya gustong lumapag at bibigyan pa siya ng sapat na seguridad.
“Mayaman ka naman, may private jet ka naman eh, maglanding ka kung saan mo gusto, sa air force base, maglanding sya sa basa, papaligiran natin ng sundalo, walang makakalapit ng isang kilometro that will guarantee his security,” pahayag ng Pangulo patukoy kay Teves.
“So we have made all of these offers pero hindi pa siya nagde-decide. The only advice I can only give to Cong Arnie is that habang tumatagal ito mas nagiging mahirap ang sitwasyon mo. Mas maaga kang makauwi mas marami pang opsyon ang mangyayari. Pero pagka-masyado nang late, wala na, mapipilitan ang gobyerno, we will have to move without any discussions with him, ” dagdag ng Pangulo.
Pinabulaanan din ng Pangulo ang pahayag ni Teves na may kumpas ng Malakanyang ang kanyang kaso at may kinalaman ang operasyon ng e-sabong.
” Well I have no direct contact with him. Ang nakakusap niya is the Speaker dahil iyon ang Speaker niya, he is the leader of the House. Ganoon pa rin ang sinasabi niya may banta daw sa buhay niya. Kami naman sa intelligence, the best intelligence we have, we don’t know of any threat. Saan manggagaling yung threat? But anyway to reassure him, we will provide all kinds of security kung ano ang gusto mo,” sabi pa ng Punong Ehekutibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.