DOH, walang nerbiyos sa pagtaas sa COVID 19 cases

By Jan Escosio March 22, 2023 - 11:27 AM

Inaasahan at maaring magpatuloy kayat hindi dapat ikabahala ng husto ang pagtaas ng mga kaso ng COVID 19.

Ito ang sinabi ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Aniya ang mahalaga ay nananatiling mababa ang “severe and critical cases.”

“Base sa ating pagmomonitor, oo tumataas ang mga kaso, but our hospitals are all manageable. Severe and critical at namamatay  are kept at a minimum,” aniya.

Dagdag pa niya: “Sa aking pananaw and payo ng Kagawaran ng Kalusugan, hindi tayo dapat matakot at mag-alala.”

Kayat muling iginiit ng opisyal ang kahalagahan ng patuloy na pagsunod sa minimum health standards, gayundin ang pagpapabakuna.

“We should know how to protect ourselves and our family—and that would be having our vaccination against Covid at syempre alam natin kung kailan dapat magsuot ng masks,” sabi pa nito.

Kahapon, nakapagtala ang kagawaran ng karagdagang 190 bagong COVID 19 cases sa buong bansa para sa kabuuang aktibong kaso na 9.244.

TAGS: COVID-19, critical, doh, severe, COVID-19, critical, doh, severe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.