Smuggled sugar sa Kadiwa stores may basbas ng Malakanyang

By Chona Yu March 22, 2023 - 09:43 AM

FILE PHOTO

Inaprubahan na ni Pangulong Marcos Jr. ang rekomendasyon ng  Sugar Regulatory Authority (SRA) na ibigay bilang donasyon sa Department of Agriculture (DA) ang 4,000 metriko tonelada ng nakumpiskang smuggled refined sugar.

IAyon sa Presidential Communications Office. to ay para maibenta ng mura sa publiko sa mga  Kadiwa Centers sa  halagang katumbas ng actual mill gate prices na sa ngayon ay nasa P70 kada kilo. Inatasan din ng Pangulo ang  DA at SRA na makipag-ugnayan  sa Bureau of Customs (BOC) at iba pang ahensiya ng pamahalaan upang masiguro na ang naturang mga asukal na ipagbibili ay ligtas at pasado sa food safety act at iba pang regulasyon. Nais ng Pangulo na matiyak na magkaroon ng abot kaya na presyo ng asukal sa merkado. Nasa P86 hanggang P110 ang presyo ng asukal kada kilo sa merkado. Ayon na rin sa Curtoms Modernization and Tariff Act (CMTA), ang mga nakukumpiskang ilegal na iniangkat na mga produktong agrikultura ay maaaring ibigay sa pamamagitan ng donasyon sa ibang ahensiya ng pamahalaan.

TAGS: DA, SAR, smuggled, sugar, DA, SAR, smuggled, sugar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.