Job creation at student welfare bills lumusot, Sen. Joel Villanueva nalugod
Ikinatuwa ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pagkakapasa sa third and final reading ng mga panukala na magiging daan para sa paglikha ng mga trabaho at pangangalaga sa kapakanan ng mga estudyante. “We thank our colleagues for taking part in the passage of these measures which will make a big impact in the labor sector and improve the education system in the country,” pahayag ni Villanueva, patungkol sa Senate Bill No. 1594 o ang “One Town, One Product (OTOP) Philippines Act of 2023,” gayundin ang Senate Bill No. 1359 o ang “No Permit, No Exam” Prohibition Act” at ang Senate Bill No. 1864 o ang “Student Loan Payment Moratorium During Disasters and Emergencies Act” Inisponsoran ni Sen. Mark Villar ang OTOP bill, samantalang si Sen. Francis Escudero ang nag-sponsor ng SB 1359 at SB 1864. Ani Villanueva sa pagkakapasa ng OTOP bill mabibigyan promosyon na ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) na nagbigay ng 5.46 milyong trabaho noong 2021. Sinabi nito, ang pagiging institusyunal o permanente ng programa ay magbibigay ng mas malaking suporta sa mga MSMEs at makatutulong din sa domestic trade o lokal na kalakalan, eksportasyon o ang pagluluwas ng mga kalakal sa ibang bansa, paglikha ng trabaho, at gayundin ang pagpapalakas ng sektor ng turismo. Kaugnay naman sa mga panukala na inilatag ni Escudero, ayon kay Villanueva, ang pagpasa ng mga panukalang ito ay magbibigay katiyakan sa mga estudyante na hindi hadlang ang kahirapan o kakulangang pampinansyal para makakuha sila ng de-kalidad na edukasyon. Samantala, ipinasa din sa Senado nitong Lunes ang Senate Bill No 1841 o Cultural Mapping bill at 13 iba pang local bills na magpapalakas sa education system sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.