Hindi pabor ang grupong Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas sa balak ng gobyerno na bigyan ng subsidiya ang public utility vehicle para makapagbigay ng discount sa pasahe sa mga pasahero sa loob ng isang buwan.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni LTOP president Orlando Marquez na mas makabubuting ilaan ang pondo sa PUV modernization program.
Nasa P1.285 bilyong pondo ang inilaan ng pamahalaan para sa fare discount sa taong 2023.
Sabi ni Marquez, masyadong maliit kasi ang diskwento sa pamasahe.
Nangangamba pa si Marquez na mura lamang ang abutin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos lalo’t isang buwan lang naman na tatagal ang diskwento sa pasahe.
Nasa P12 ang pamasahe sa jeep at kapag naipatupad ang fare discount, magiging P9 na lamang ang pasahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.