Patuloy na aayudahan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga residenteng apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro na umabot na ng hanggang Mimaropa at Western Visayas.
Base sa pinakahuling talaan ng Task Force on Oil Spil, nasa 32,661 pamilya sa Mimaropa at Western Visayas ang naapektuhan.
Nasa P28.3 milyong halaga ng humanitarian assistance na ang naipamahagi ng national government, local government units (LGUs), non-governmental organizations (NGOs) at iba pang partners ang naipamahagi na sa mga apektadong residente.
Sa ngayon nagpapatupad ang Department of Social Welfare and Development ng 45-day cash-for-work program kung saan 7,198 pamilya ang nakikinabang.
Nagsimula ang cash-for-work program noong Marso 6.
Bukod sa cash-for-work program, may alok din ang DSWD na Emergency Cash Transfer (ECT) at family food packs (FFPs).
Sinimulan na rin ng Department of Labor and Employment ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program sa tatlong lugar sa Caluya.
Sa Sibolo, nasa 152 na indibidwal ang nakinabang sa 30 araw na TUPAD, 246 naman sa Semirara at 66 sa Tinogboc.
Nakikipag-ugnayan na rin ang pamahalaan sa ibat ibang tanggapan ng pamahalaan sa International Tankers Owners Pollution Federation Limited (ITOPH) para sa pagsasagawa ng massive clean-up drive pati na ang pagtatalaga ng dumpsite at debris staging area.
Samantala, kumuha na ang private contractor ng 100 local workers para tumulong sa paglilinis sa oil spill.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.