Poe: Dapat may managot na airport, immigration personnel sa NAIA human smuggling

 

 

Sinabi ni Senator Grace Poe na dapat ay may mapanagot na mga tauhan ng airport at Bureau of Immigration na may kinalaman sa isang insidente ng human smuggling sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“It’s nothing personal to the officers concerned.  We are doing this to also protect the institution that you are supposed to be protecting,” ani Poe sa pagdining ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa ibinunyag niyang human smuggling sa NAIA na kinasasangkutan ng mga banyaga.

Diin ng senadora kung walang mapapanagot, mas lalong lalakas ang loob ng iba na gumawa ng kalokohan,

Aniya ang mga naging hakbang ng ilan ay malinaw na paglabag sa protocols at maaring tularan kung hindi aaksiyonan.

Nabatid na isang intelligence officer ng Bureau of Immigration ang sinibak na sa posisyon dahil sa insidente.

“We expect decisive and correct actions from our airport and immigration chiefs on this matter to show respect for the institutions and to tell the public that irregularities will not go unpunished,” pahayag pa ng senadora.

Nais niya na maglagay ng security cameras na sasakop sa lahat ng bahagi ng airport, kasama na sa lugar kung saan nagmumula ang private chartered flights.

Read more...