Sen. Tolentino hiniling sa Comelec na ipagpaliban ang COF filing para sa Barangay & SK elections
By: Jan Escosio
- 2 years ago
(Senate PRIB)
Inihirit ni Senator Francis Tolentino sa Commission on Elections (Comelec) na ipagpaliban ang itinakdang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga kakandidato sa Hulyo para sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.Katuwiran ni Tolentino, magiging pabigat lamang sa mga lokal na pamahalaan kung sa Hulyo ay kailangan ng maghain ng kanilang COC ang mga kakandidato.Ito aniya ay dahil sa mga malilimitahan na ang hakbang ng LGUs alinsunod sa Omnibus Election Code.“Ako po ay nakiusap sa Commission on Elections na i-postpone ang filing ng certificate of candidacy sa August. Huwag po sa July dahil napakaaga po ng July. Magkakaroon na ng napakaraming ban–ban sa employment, ban sa construction,” aniya.Mangangahulugan ito aniya ng karagdagang gastos para sa pambansang-pulisya dahil sa mga kinakailangang gawin dahil sa election period, gaya na lamang ng gun ban.Diin ni Tolentino, makatarungan lamang na ipagpaliban ang paghahain ng COC dahil sa Oktubre pa naman ang halalan.Dagdag pa ng senador, 10 ara lang din naman ang ibinigay na panahon para sa pangangampaniya ng mga kandidato.Samantala, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na pag aaralan nila ang mungkahi ni Tolentino.