Monreal, Masbate, niyanig ng 3.9 magnitude na lindol

 

Niyanig ng 3.9 magnitude na lindol ang Monreal, Masbate kaninang 3:14 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na apat na kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa Monreal, San Jacinto at San Fernando sa Masbate.

Naramdaman naman ang Intensity III sa Batuan, Masbate.

Wala namang inaasahang aftershocks o tsunami matapos ang lindol.

Read more...