Mas mataas ng 19 porsiyento ang naitalang weekly average COVID 19 cases noong Marso 13 hanggang 20, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa nakalipas na isang linggo, nakapagtala ang DOH ng 1,171 bagong kaso ng nakakamatay na sakit.
Bunga nito, umakyat sa 167 ang daily average cases na mas mataas kumpara sa naitala noong Marso 6 hanggang 12.
Sa mga bagong kaso, anim ang malubha ang kalagayan.
Nadagdagan naman ng 63 ang bilang ng mga namatay dahil sa sakit, bagamat walang naitalang nasawi noong Marso 6 hanggang 19.
Hanggang kahapon, may 368 na kritikal ang kondisyon na ginagamot sa mga ospital, 272 naman ang okupadong ICU beds, 2,863 ang nasa non-ICU beds.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.