Higit P1 kada litro tatapyasin sa gasolina, krudo; P2 sa kerosene

By Jan Escosio March 20, 2023 - 07:16 PM

Simula bukas, isang linggo na mababa ang presyo ng gasolina at krudo.

Nag-anunsiyo ang mga kompaniya ng langis ng bawas-presyo sa kanilang mga produkto.

Ang Seaoil, Petro Gazz, Caltex, PTT at Phoenix Petroleum ay nag-anunsiyo na mababawasan ng P1.20 ang presyo ng kada litro ng kanilang gasolina at P1.85 naman sa diesel o krudo.

Ang Seaoil at Caltex sinabi na P2 kada litro ang mababawas sa kanilang kerosene.

Sa monitoring ng Department of Energy, P1 na ang year-to-date na kabawasan sa halaga ng diesel.

Samantala, ang gasolina naman ay may tumaas na ng P6.70

Alas-12:01 mamaya ang simula nang pagbaba, samantalang ang ilang kompaniya naman ay ala-6:01 ang ipapatupad ang price rollback.

TAGS: diesel, DOE, gasoline, kerosene, Price Rollback, diesel, DOE, gasoline, kerosene, Price Rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.