Imbitasyon sa ‘Cha-cha’ hearing binawi, House contingent walang ideya sa dahilan

By Jan Escosio March 20, 2023 - 11:30 AM

Hindi alam ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez ang pagbawi sa kanilang imbitasyon na dumalo sa pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Amendments ukol sa mga panukalamg pag-amyenda sa 1987 Comstitution.

Sa inilabas na pahayag ni Rodriguez, chairperson ng House Committee on Constitutional Amendments, kinansela ang imbitasyon sa kanila ng komite na pinamumunuan naman ni Sen. Robinhood Padilla.

Aniya ang pagdinig ay para dapat sa resolusyon sa Kamara  para sa pagkakaroon ng Constitutional Conventio para sa pag-amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas.

Sinabi ni Rodriguez na ikinadismaya niya ang pangyayari dahil mismong si Padilla ang nag-anunsiyo noong Biyernes ng imbitasyon sa ilang taga-Kamara.

Wala din aniyang ibinigay na dahilan sa pagkansela sa imbitasyon sa kanya.

Umapila siya sa mga senador na pakinggan ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa kanilang nagkaka-isang panawagan para sa Charter change.

Natuloy naman ang pagdinig sa Senado, ngunit tanging sina dating Sen. Kit Tatad at PDP Laban Sec. Gen. Melvin Matibag ang humarap na resource persons.

TAGS: Cha-Cha, con ass, con-con, House, Senate, Cha-Cha, con ass, con-con, House, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.