Hindi apektado si Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa kaugnay ng kasong kinakaharap niya sa International Criminal Court (ICC). Kasunod ito nang pagpapalabas ng ICC ng warrant of arrest laban kay Russian President Vladimir Putin. Ani dela Rosa malabong maipatupad ang warrant of arrest na ito laban kay Putin dahil hindi alam kung sino ang maaring magsilbi. Kumpiyansa ang senador na ganito rin ang magiging sitwasyon sakaling mahatulan siya ng ICC. Nahaharap sa kasong crimes against humanity si dela rosa, kasama ni dating Pangulong Duterte, dahil sa ipinatupad na kampaniya kontra droga sa pamamagitan ng Oplan Tokhang. Paliwanag niya, dahil hindi miyembro ang Pilipinas ng ICC ay hindi obligado ang law enforcement agencies sa bansa na sundin ang ipag-uutos ng international crime tribunal.
Bato dela Rosa walang kaba sa arrest warrant ng ICC kay Putin
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...