Tatatlong bahay nasunog sa Parañaque City

By Jan Escosio March 20, 2023 - 05:44 AM

Napinsala ng sunog ang tatlong bahay sa Barangay Tambo, Parañaque City ngayon madaling araw.

Sa paunang impormasyon mula kay Fire Investigator 3 Janyne Marie Abad alas-3:31 nang magsimula ang sunog at naapula makalipas ang isang oras.

Aniya sa bahay ng isang Susan Sy sa Beachcraft St., Concorde Vill., nagsimula ang sunog habang marami sa mga residente ang mahimbing na natutulog.

Tinatayang aabot sa P2 milyon ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

Wala naman napaulat na nasaktan sa insidente at isang pamilya ang nawalan ng tirahan.

Inaalam pa ang naging sanhi ng sunog.

 

TAGS: 1st alarm, BFP, sunog, 1st alarm, BFP, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.