Tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) at sa lahat ng mga mangagawa sa bansa na kaisa ang Senado sa pagsusulong at paglaban para sa sapat na sahod. Kaasunod ito nang pagpapahayag ng TUCP ng suporta sa inihaing panukala ni Zubiri na dagdag na P150 sa daily minimum wage ng mga empleyado at manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa. Nagpasalamat naman ito sa suportang ibinigay ng TUCP sa panukala kasabay ng pangako nito na patuloy na igigiit ang dagdag na sahod para sa lahat ng mga manggagawa. Muli namang kinontra ni Zubiri ang pangamba ng mga negosyante na posibleng maraming negosyo ang mapilitang magsara o kaya naman ay magbabawas ng mga empleyado kapag ipinilit ang isinusulong na dagdag na sahod. Giit ng senadorai, dalawa lamang ang pagpipilian ng mga business sector, ito ay itaas ang sweldo ng mga manggagawa o panoorin na lamang silang mangibang bansa para sa mas magandang kita. Punto pa niya, hindi pwedeng gipitin ang mga manggagawa dahil sila ang nagpapagalaw ng mga industriya at kung wala sila ay tiyak babagsak ang mga industriya at ang ekonomiya.
TUCP sumuporta sa P150 wage hike call ni SP Migz Zubiri
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...