Nagsilbing chief security ni Pope Francis sa pagbisita nito sa bansa ang naitalagang bagong hepe ng Pambansang Pulisya.
Si Police Director Ricardo Marquez ang namuno sa Task Force Papal Visit 2015 at siya ang kasalukuyang director ng PNP Directorate for Operations.
Ginawaran siya ng Pope Francis Service Medal dahil naging ligtas ang pananatili nito ng apat na araw sa bansa noong Enero.
Si Marquez din ang kasalukuyang namamahala sa pagpapatupad ng Oplan Lambat Sibat, ang brain child anti-criminality campaign ni Interior Secretary Mar Roxas, gayundin ang pagbibigay seguridad sa 14 APEC Meetings, bago ang APEC Summit sa Nobyembre.
Kabilang siya sa PMA Sandigan Class of 1982 at noong 1994 ay tinanghal na siyang Junior Officer of the Year sa Cavite Provincial Police Office at nang sumunod na taon ay siya ang Junior PNP Region 4-A Officer of the Year at PNP Junior Police Comissioned Officer.
Noong taong 2000 naman nang kilalanin siya bilang Senior Police Commissioned Officer of the Year ng PNP Civil Security Group.
Ang tubong Maraganondon,Cavite na si Marquez ay ginawaran na ng apat na PNP distinguished service medals, 12 PNP outstanding achievement medals; pitong PNP special service medals; apat na PNP heroism medals; tatlong bronze cross medals; 16 PNP merit medals; walong military merit medals at 50 PNP efficiency medals.
Bukod pa sa mga ito ang mga natanggap niyang 29 PNP commendation medals, dalawang military commendation medals, isang military civic action medal; apat na PNP good conduct medals; apat din na campaign medals and ribbon; dalawang presidential unit citation badges at isang honor graduate award.
Bilang provincial police director, naging susi din si Marquez para mabawasan ang election related violent incidents o ERVI’s sa Nueva Ecija noong 2010 election at dahil naging mapayapa ang ginanap na halalan tinanghal ang Nueva Ecija Police bilang Model Provincial Police Office sa buong
Central Luzon.
Ang accomplishment na ito ang naging inspirasyon kay Marquez na isulat ang PNP Election Plan 2030.
Naitalaga din siya sa Laguna Constabulary Command; naging hepe ng pulisya sa San Pablo City Police Station sa Laguna; naging opisyal sa Northern Police District at Western Police District gayundin sa Metro Manila Drug Enforcement Group ng National Capital Region Police Office; sa PNP Firearms and Explosives Office; at hepe ng Regional Intelligence Division ng Calabarzon Police Office./Jan Escosio
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.