P1/kwh electricity lifeline subsidy inihirit ni Sen. Win Gatchalian

By Jan Escosio March 20, 2023 - 05:19 AM

Inihirit ni Senator Win Gatchalian sa gobyerno na mabigyan ng subsidiya na P1 / kilowatt per hour ang mga low-income consumers sa kanilang bayarin sa kuryente.

Ito,ha ayon sa senador, ay para maibasan pa ang epekto sa kanila ng mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Kabuuang P418 bilyon ang aabutin ng naiis niyang ayuda at ito ay huhugutin  sa general appropriations fund.

Paliwanag ni Gatchalian sa bisa ng iniakda niyang Lifeline Rate Extension Act, , ang isang “lifeliner” sa Metro Manila ay nakatipid ng humigit kumulang P194.36 noong Pebrero ng nakaraang taon at tumaas pa sa P223.34 noong Pebrero ngayong taon, o pagtaas ng 14.91% kasunod ng mataas na inflation rate.

Aniya, ang natipid na halaga ay katumbas ng 5.6 kilo ng bigas batay sa presyo  ng regular-milled rice na naglalaro sa P39.195 kada kilo.

Sa karagdagang P1/kwh na kanyang inihihirit, makakatipid ang isang pamilya ng P297.67 kada buwan at maipambibili ito ng 7.5 kilo ng bigas.

“Tayo’y natutuwa na maraming mga kababayan natin ang natutulungan ng isinulong nating batas na electricity lifeline rate. Pero mas matutulungan pa natin sila kung dadagdagan natin ang maitatabi nilang pera para sa iba pa nilang bayarin habang patuloy na mataas ang inflation rate sa bansa,” ani Gatchalian.

Ang lifeline rate subsidy ay nagbigay ng ginhawa para sa 4.181 milyong sambahayan na kinilala bilang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Upang mapakinabangan ang naturang subsidy, ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay kailangang kumonsumo ng hindi hihigit sa 100-kilowatt hours ng kuryente kada buwan. Sa kabuuang bilang ng mga benepisyaryo, 209,210 na sambahayan ang nasa National Capital Region.

TAGS: 4Ps, Kuryente, rate, subsidy, 4Ps, Kuryente, rate, subsidy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.