Blue notice sa INTERPOL sa mga suspek sa Degamo murder case, ibinabala

By Chona Yu March 18, 2023 - 08:02 PM

 

Hihirit ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) na mag-isyu ng Blue Notice laban kay Congressman Arnie Teves at iba pang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon kay Justice spokesman Mico Clavano, nagpatong-patong na kasi ang kaso ng mga suspek sa pagpatay kay Degamo.

“Well, we have taken precautions and we will take further precautions kasi padagdag nang padagdag ‘no iyong mga kaso natin. So all those that are in relation to the Degamo slay, we have taken concrete steps na maglabas po ng international lookout bulletin, pinagpag-usapan po natin ang paglagay ng mga tao sa blue list, sa Interpol ‘no – Blue Notice,” pahayag ni Degamo.

Base sa website ng INTERPOL, ang color-coded notices ay international requests ng isang bansa para sa kooperasyon at magpalitan ng critical crime-related information.

Nakasaad na ang Blue Notice ay: “To collect additional information about a person’s identity, location or activities in relation to a criminal investigation.”

Sa pamamagitan ng notice, mamomonitor ng Pilipinas ang galaw ng mga respondents.

“We hope to do that maybe next week just so that we are aware ‘no doon sa movements ng ating mga respondents who may very well be involved in the Degamo slay and who may be vital doon sa ating investigation,” pahayag ni Clavano.

“Dahil po ilalagay na sila sa international lookout bulletin, mayroon po tayong records kung saan sila pumunta, anong petsa po sila umalis – iyon po ‘yung mga relevant data na makukuha natin dahil ilalagay po natin sila sa lookout bulletin,” dagdag ni Clavano.

Apat na suspek na ang nasampahan ng kaso habang 10 iba pa ang iniimbestigahan.

“Mas marami pa po ‘no sa sampu iyong na involved sa investigation ho natin. Lumalabas po sa mga statements na mayroon po tayong parang layering na tinatawag ‘no – so mayroon po tayong mga gunmen, mga directly involved po doon sa assassination bilang driver, lookout iyong mga ganoon… tapos meron ho tayong handler or parang middleman ‘no na tinatawag. So ito iyong nagsisilbing parang layer of security doon sa ating mastermind,” pahayag ni Clavano.

 

TAGS: DOJ, interpol, Mico Clavano, Murder, news, notice, Radyo Inquirer, teves, DOJ, interpol, Mico Clavano, Murder, news, notice, Radyo Inquirer, teves

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.