P1.37 bilyong halaga ng ilegal na droga, nakumpiska sa Marcos admin

By Chona Yu March 18, 2023 - 09:32 AM

 

Umabot na sa P1.37 bilyong halaga ng illegal na droga ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Base sa ulat ng PDEA na isinumite sa Palasyo ng Malakanyang, nakumpiska ang naturang halaga ng illegal na droga mula sa operasyon na isinagawa mula Nobyembre 2022 hanggang Pebrero 2023.

Ayon kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, nasa 405 na operasyon ang isinagawa ng kanilang hanay na nagresulta sa pagka-aresto sa 728 drug personalities.

Kabilang sa mga nakumpiska ang 177.21 kilos ng shabu o methamphetamine hydrochloride, 200.22 kilos ng dried leaves at bricks of marijuana, 565,160 piraso ng marijuana plants, 1,687 gramo ng cocaine, at 16,782 tableta ng Ecstasy.

Sa naturang bilang, 115 high-impact operations ang isinagawa na nagresulta saa pagkabuwag sa 79 drug dens, 12 marijuana plantations, at 24 high-volume seizures.

Nagbunga rin ang naturang operasyon ng pagka-aresto ng 548 high-value targets (HVTs).

Kabilang sa mga naaresto ang apat na elected officials, 15 government employees, siyam na foreigners, 42 target-listed personalities, 102 drug den operators, at isang uniformed personnel.

TAGS: ecstasy, Ferdinand Marcos Jr., Illegal Drugs, Marijuana, news, PDEA, Radyo Inquirer, shabu, ecstasy, Ferdinand Marcos Jr., Illegal Drugs, Marijuana, news, PDEA, Radyo Inquirer, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.