6,803 litro ng oily water mixture sa Oriental Mindoro, nakolekta ng PCG
Umabot na sa 6,803 litro ng oily water mixture at 65 na sako ng oil-contaminated materials ang nakolekta ng Philippine Coast Guard mula sa oil-spill response operations sa Oriental Mindoro.
Ayon sa PCG, isang sako ng oil-contaminated materials naman ang nakolekta ng kanilang hanay gamit ang MTUG Lidagat at MTUG Titan-I kahapon.
Nakolekta ang mga oil-contaminated materials sa 13 barangay sa Naujan, Bulalacao, at Pola Oriental Mindoro.
Katuwang ng PCG sa paglilinis sa oil spill ang Japan Disaster Response Expert team sa pamumuno ni Daisuke Nihei.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.