Niyanig ng 4.9 magnitude na lindol ang Jose Abad Santos, Davao Occidental kaninang 3:37 ng umaga, Marso 18.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 104 kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa Malita, Don Marcelino at San Jose Davao Occidental habang naramdaman naman ang Intensity III sa Santa Maria at Sarangani sa Davao Occidental.
Naitala naman ang Instrumental Intensity III sa Don Marcelino, Davao Occidental, Intensity II sa Malungon sa Sarangani, Tupi sa South Cotabato, at Kiamba sa Sarangani at Intensity I sa Alabel, Sarangani, Koronadal City, Tampakan at T’boli sa South Cotabato.
Samantala, niyanig naman ng 3.9 magnitude na lindol ang Tinaga Island sa Camarines Norte.
Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na isang kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Daet, Camarines Norte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.