Legislative agenda ng susunod na Kongreso, inilatag Meet Inquirer forum

 

Richard Reyes/Inquirer

Gugugulin ng susunod na 17th Congress ang kanilang unang mga taon sa panunungkulan sa pagsusulong ng tatlong mahahalagang agenda ng Duterte administration.

Sa Meet Inquirer Multimedia Forum, sinabi ni incoming House Speaker Rep. Pantaleon Alvarez, uunahin ng Kongreso ang panukala na magbabago sa sistema ng pamahalaan mula sa presidential tungong federalism.

Pagpipilian aniya ang paglulunsad ng constitutional convention, constitutional assembly o people’s initiative sa naturang proseso.

Paliwanag ni Alvarez, malaki ang pagbabagong maibibigay ng isang federal system of government dahil mabibigyan ng pagkakataon ang mga lalawigan na makasabay sa pag-asenso ng buong bansa.

Isa pa sa pagtutuunan ng pansin ng susunod na Kongreso ay ang panunumbalik ng death penalty na una nang ipinangako ni incoming president Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Alvarez, patuloy na tumataas ang insidente ng kriminalidad sa bansa.

Ikatlo sa mga nais na maisulong sa 17th Congress aniya ay ang pagbaba ng age limit sa mga kabataang puwedeng makulong sa oras na gumawa ito ng krimen.

Inaasahan ding mapapadali na sa pagbubukas ng susunod na Kongreso ang pag-apruba sa Freedom of Information bill, ayon kay Alvarez.

Read more...