Red tide ibinabala sa ilang lugar

By Chona Yu March 18, 2023 - 07:58 AM

 

Positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang ilang lugar sa bansa.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, positibosa red tide ang baybaying dagat Dauis at Tagbilaran City sa Bohol: Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Pinagbabawalan ang mga residente na kumain ng lahat ng uri ng shellfish at Acetes sp. o alamang sa mga nabanggit na lugar.

Maari namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimango basta’t siguraduhin lamang na niluto at hinugasan ng maayos. Kinakailangan din na tanggalin ang hasang at kaliskis.

Ligtas naman na ngayon sa red tide ang baybaying dagat ng Milagros, Masbate.

 

TAGS: BFAR, news, Radyo Inquirer, red tide, BFAR, news, Radyo Inquirer, red tide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.