Diskuwento sa pasahe sa PUVs limitado sa ilang ruta lang – LTFRB

Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang binabalak na diskuwento sa pasahe sa mga pampublikong sasakyan ay ipapatupad sa ilang ruta lamang.

Sinabi ni LTFRB Technical Division director Joel Bolano na bagamat ito ay ipapatupad buong bansa, limitado lamang ang ruta na may diskuwento sa pasahe.

Aniya ito ay ikakasa sa mga ruta na marami ang pasahero para mas lubos na maramdaman

ang service contracting program.

Hindi naman nabanggit ni Bolano ang mga napiling ruta na may diskuwento sa pasahe.

Ang plano ay mula sa P12 minimum fare sa jeep ay gagawin itong P9, ang pasahe bago ang pandemya.

Pagtitiyak naman ni Bolano na ang matatapyas na P3 ay isusubsidiya ng gobyerno alinsunod sa service contracting program, na pinondohan ng ₱1.2 bilyon.

Read more...