Diskuwento sa pasahe sa PUVs limitado sa ilang ruta lang – LTFRB
Sinabi ni LTFRB Technical Division director Joel Bolano na bagamat ito ay ipapatupad buong bansa, limitado lamang ang ruta na may diskuwento sa pasahe.
Aniya ito ay ikakasa sa mga ruta na marami ang pasahero para mas lubos na maramdaman
ang service contracting program.
Hindi naman nabanggit ni Bolano ang mga napiling ruta na may diskuwento sa pasahe.
Ang plano ay mula sa P12 minimum fare sa jeep ay gagawin itong P9, ang pasahe bago ang pandemya.
Pagtitiyak naman ni Bolano na ang matatapyas na P3 ay isusubsidiya ng gobyerno alinsunod sa service contracting program, na pinondohan ng ₱1.2 bilyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.