Quezon solon sa mga senador: Buksan ang isipan sa Cha-cha

By Jan Escosio March 16, 2023 - 07:31 PM
Hinikayat ni Quezon Representative  David “Jay-jay” Suarez ang mga senador na maging bukas ang isipan na mayorya ng mga mambabatas sa Kamara ang nais na maamyendahan ang economic provisions ng Saligang Batas. Sinabi pa ni Suarez na ang nais lang naman ng 301 mambabatas na pabor sa House Bill No. 7352 ay mapalakas pa ang pamumuhunan ng mga banyaga sa bansa. “I am appealing to our honorable senators to consider how HB 7352 passed its third and final reading with a resounding 301 votes. This is an overwhelming vote from the members of the House of Representatives,” ang apila ng kinatawan ng ikalawang distrito ng lalawigan ng Quezon. Dagdag pa niya: “As duly elected officials representing all districts from Mindanao, Luzon and Visayas, our counterparts in the Senate should study their position and acknowledge the need to revise the economic provisions of our Constitution. I urge our senators to review HB 7352, calendar it for plenary debates and vote on it instead of immediately saying that it is not a priority.” Ayon pa kay Suarez hindi sapat ang mga bagong batas para makapanghikayat pa ng mas maraming foreign investors, na malaki ang maitutulong sa pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa mula sa mga epekto ng pandemya. Diin lang din  niya na dahil sa mga limitasyon na nakasaad sa 1987 Constitution, napipigilan ang paglikha ng mga bago at karagdagang trabaho na malilikha ng mga banyagang mamumuhunan. “Pakinggan po sana ating mga senador ang boses ng nakararami sa mababang kapulungan ng Kongreso na nagnanais na makatulong sa pagbangon ng ating ekonomiya mula sa pagkakasadlak nito nang dahil sa COVID-19 pandemic. Ito ang tamang panahon para ipakita ng mga mambabatas na sa lahat ng pagkakataon, kapakanan ng taumbayan ang pangunahin namin adhikain, hindi personal na ambisyon,” dagdag apila pa ni Suarez.

TAGS: Cha-Cha, House, Quezon, Senate, suarez, Cha-Cha, House, Quezon, Senate, suarez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.