Dumating na sa Oslo, Norway sina Jose Maria Sison, founding chair ng CPP, at kanyang mga delegado nat nakipagkita na sa mga kinatawan ng gobyerno ng Pilipinas sa pangunguna nina incoming Labor Secretary Silvestre Bello III at peace negotiator Jesus Dureza.
Mistulang ‘reunion’ ng mga dati nang magkakaibigan ang pagkikita ng dalawang kampo sa Oslo.
Ilan sa mga isyung inaasahang tatalakayin pa sa informal talks sa pagitan ng dalawang panig ay ang magiging laman magaganap na pormal na pag-uusap sa ilalim ng Duterte administration.
Umaasa ang magkabilang panig na magkakaroon na ng kahihinatnan ang matagal nang nabibinbing peace talks sa pagitan ng rebeldeng grupo at pamahalaan sa ilalim ng susunod na adminsitrasyon.