4 ‘ghost corporations’ inasunto ng tax evasion ng BIR
Sinampahan ng kasong kriminal at tax evasion ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice ang apat na malalaking ‘ghost corporation’ na nagbebenta ng pekeng resibo.
Ayon kay BIR Comm. Romeo Lumagi, nasa P25.5 bilyong buwis ang nalugi ng gobyerno dahil sa mga pekeng transaksyon ng apat na kompanya – Buildforce Trading Inc., Crazykitchen Foodtrade Corp., Decarich Supertrade Inc., at Redington Corporation.
Tatlong taon na aniyang nagsasagawa ng operasyon ang mga nabanggit na korporasyon.
Babala ni Lumagi, pagkakulong at multa ang maaring kaharapin ng mga may-ari ng korporasyon.
Dagdag pa nito na may kaakibat na parusa rin ang ipapataw sa mga tumatangkilik sa transaksyon ng apat na kompanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.